Feb
04

LP#91- Akin lang

Posted by yeye

dati hindi ko alam kung anu ang ibig sabihin ng S.P.

special partner?

special prend??

ahhh

special person siguro?

hehehe.

ah basta, ang mahalaga, akin ang aguinaldong hawak hawak ko sa litrato.

:) )

kasi sigurado naman ang nakabunot sakin na ako nga ang nabunot niya. hahahahaha

“walang agawan ng gep. akin lang to”

hehe

ito ang aking lahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy.

Happy Huwebest sa lahat :)

Jan
28

LP #90 – balak ngayong bagong taon

Posted by yeye

muli, ako po ay nagbabalik sa Litratong Pinoy :)

matagal-tagal na rin ako nawala at hanggang ngayon, di ko pa lubos maintindihan ang mga pagbabago dito sa LP. sobrang busy kasi at, hindi masyado accessible ang net dito sa probinsya. hindi naman sa sinasabi ko na walang internet dito, ang ibig kong sabihin eh, di ako masyado makapaginternet ay sa kadahilanan na busy ako sa training at, nagtitipid ako. 20 php per hour kasi ang net. ayun. sana naintindihan niyo po ako hehehe

anyway, punta na tayo sa tema ngayong linggo.

BALAK.

ang litratong nasa itaas ay kuha ng aking N6288, noong bisperas ng bagong taon. on duty ako noon. oo, sa hospital ako nagdiwang ng bagong taon.

siguro naman halos lahat tayo ay may mga binabalak na gawin o kung anu pa man tuwing sasapit ang pagsalubong ng bagong taon. mga balak para sa buong taon diba?

ako? ano nga ba ang mga binabalak ko ngayong taon na ito?

balak kong mag-apply ulit for training, pero kung wala. itutuloy ko ang masters. basta parents ko ang gagastos. hahaha

ang hirap mag-plano o gumawa ng mga balakin lalo na kung dependent ka pa. kasi may mga oras na hindi lahat ng plano natin, nasusunod. oh well, parents’ know best :)

eh kayo? ano naman mga binabalak niyo?

punta kayo dito para sa iba pang mga litratong lahok sa linggong ito. HAPYY HUWEBEST AT HAPPY LP!! :)

Jan
20

i knew it

Posted by yeye

nakita ko na ang sign.

dead end signs.

di na kami magkikita sa march

at may ka-chorvahan na siya.

titigil na ako.

tama na talaga.

tama na.

(short post lang.)

Jan
12

bawal

Posted by yeye

maging emosyonal sa harap ng mga pasyente.

Nung estudyante palang kami, sinabihan na kami na icontrol ang aming emosyon sa oras na humarap kami sa mga pasyente. oo, mahirap gawin yun lalo na kung talagang nakakaawa yung sitwasyon ng pasyente mo. siguro sa ibang senaryo, okay lang pero kung sa hospital setup, ibang usapan na talaga yun

mahirap din, lalo na sa tulad ko na “emotional”. mababaw lang luha ko. madali ako maapektuhan ng mga bagay bagay na pwedeng magpalungkot sa akin.

sabi nga, ang mga nurses ay empathic. hindi sympathetic. malaki ang pinagkaiba ng dalawang salitang iyan, mula sa salitang empathy at sympathy:

empathy Identification with and understanding of another’s situation, feelings, and motives.

sympathy a. The act or power of sharing the feelings of another.
b. A feeling or an expression of pity or sorrow for the distress of another; compassion or commiseration. Often used in the plural. See Synonyms at pity.

hindi pwede magpakita ng awa ang mga tulad naming nurses sa mga pasyente namin. bagkus, sabi nga nila sa empathy, “putting yourself on the shoes of the other”..

nung student nurse palang ako, nagawa kong pigilan ang emosyon ko. carry na carry. pero nito lang magsimula ako na magtrabaho talaga as registered nurse, iba. isa talaga akong mahinang tao.

sobrang nalungkot ako nung namatay ang isa naming pasyente matapos ang aming christmas party sa hospital. buti na lang hindi ako nakaduty noon, pero nakita ko kasi nag-stay ako nun sa hospital. madaling araw yun. nakasalubong ko pa yung anak niya at bigla lang ako natulala. pero nangilid ang luha ko nun. ewan ko ba. iba pala yung pakiramdam na yung talaga nahandle mo yung pasyente tas nasaksihan mo talaga yung bit by bit na degenaration niya. kalungkot. halos naattach na din ako nun kay lola talaga.

pero ang pinakamatindi sa lahat, ang nangyari lang nung isang araw.
morning shift ako nun. mga 2 PM, nasa station kami ng kasama kong nursing aide. chikahan na lang kasi lapit na matapos ang duty tapos, natapos na rin namin lahat ng gawain namin. ng biglang

“nurse, nurse…si nanay!!!”

umiiyak ang binatang lalaki nang lumapit sa amin. sumama ako sa kanya, papalapit na kami sa kwarto ng sabihin niya na hindi na gumagalaw ang nanay niya.

nagulat ako. dali dali kong chineck ang v/s at ang pupils. zero v.s. dilated pupils.

dumating yung senior nurse at sinimulan ang CPR. tinawag ko ang doctor at kinuha ang e-cart.

pero huli na.

nabigla talaga kami kasi mga quarter to 2, nagbigay pa kami ng gamot at nakausap pa siya ng senior namin. sabi niya okay naman siya. pati yung doctor nagtataka.

pag-pronounce ng doctor ng time of death, biglang humagulgol ang binatang anak ng pasyente.

at sa paghagulgol niya, muntikan ako mapaaiyak habang nililigpit ang ecg machine. buti nakayuko ako at naka-mask.
ang hirap pala sa kalooban ng ganun, pero ganun talaga eh. oras na niya. kung yun ang kalooban ng Maykapal, eh di yun.
salamat talaga sa face mask at medyo hindi nahalata na naiiyak na ako nun. at buti na lang may rhinitis ako. may dahilan para suminghot. hehe

sa trabaho namin, patibayan talaga ng loob ang kelangan. kelangan talaga pigilan ang emosyon. na sa totoo lang, kelangan ko talaga pag-aralan mabuti.

kelangan ko nga talaga tuparin ang resolution ko na bawasan ang pagiging emo. XD

buhay nga naman.

Dec
31

i gotta feeling

Posted by yeye

that tonight’s gonna be goodnight.

dahil mamayang gabi, ako ay magnenew year sa hospital. duty ako 11pm to 7 am. happy new year.

actually kanina pumasok na ako eh. tas bigla ako pinauwi. hahaha. natatawa ako. mamayang night na lang daw ako magduty tutal wala naman daw family ko dito ngayon (so pano yung relatives ko? 1st degree relatives.) okay. okay sige.

okay lang naman sa akin ang mag-new year sa hospital actually winiwish ko talaga yun. gusto ko maexperience. hahaha. let’s see later.

so musta naman.??? wala akong year-end special this year. nakakatamad na gumawa eh atsaka, puro kabadtripan lang ang naganap this year. pampasaya lang ang nakapasa ako sa board exam at nagkaroon ng volunteer-work. ayun lang. the rest?? never mind.

okay ayan na naman ako.

para bago, gagawa na lang ako ng new year’s resolution. na never ko pa nagawa. as in. gagawa lang ako pero asa kung matutupad lahat. try lang. hahahaha. so here it goes:

1. wag mag-load kung hindi naman importante ang ittxt.kahit superboinkz pa ang magtxt. matuto magtipid.

2. wag mag-internet kung di naman kailangan. matuto magtipid, 20php per hour pa naman ang internet dito sa probinsya. sayang. magtipid okay? at wag mag-take advantage sa libreng internet ng hospital tuwing gabi. or, wag na lang maki-net. nakakahiya ka yeye. hayaan mo na lang sila mag-net. di ka pa ba sawa mag-net? hayaan mo sila carme, maiintindihan ka naman nila. (hahaha. peace tol!!!)

3. pagkagaling ng duty, deretso cr agad. maglinis agad. wag kang dumaan kay lola na naka-duty uniform pa. bad for the health ni lola yun.

3. labhan agad ang? uniform. plantsahin agad pag-katapos. para sa susunod na duty,hindi ka magccram

4. maglinis ng bahay. magwalis ng sahig araw-araw. isama na ang cr. para pag umuwi ang tita mo di ka pagagalitan. award ka kay mama mo pag-uwi mo sa manila. cge ka!

5. uminom ng maraming maraming maraming tubig.

6. inumin ang multivitamins. sayang yung binili mo.

7. think postive. wag kang aayaw. (inspired sa revicon forte. vitamins ko)

8. ituloy mo lang ang pagiging maaga sa duty. keep it up. :)

9. pag vacant time sa bahay or hospital., magbasa ng notes para di mabobo sa mga procedures at kung anu-ano pa. wag hayaang makalawang ang utak.

10. wag magtxt pag nasa-duty. kahit walang pasyente. hahaha

11. mag-praktis mag ilonggo. halata parin ang language barrier. panu ka mag-eenjoy nyan sa ER??? or should i say, sa buong duty proper??

12. matulog pag kinakailangan. sira na talaga body clock mo, pero kaya mo yan, makaka-cope up ka din.

13. eat less.

14. wag magpa-BI sa mga pasaway na tao sa hospital. oo masaya sila kasama pero tandaan mo, piliin mo ang paniniwalaan mong senior.

15. wag ka na umasa kay ano. wag na. nasasaktan ka lang. masaya ka na nga sa status niyo ngayon eh, bakit naghahangad ka pa ng mas higit pa doon?

16. itulog mo na lang yan kesa magemoemohan sa gabi.

17. relax lang. wag masyado isipin ang future. basta concentrate muna sa duty.

18. manood nalang ng banana split at pbb para lagi ka masaya (sorry, kapamilya na ako ngayon, malabo reception ng gma7 dito). pagbalik mo sa qc, uhmm bahala ka na kung anu gusto mo panoorin, iwasan manood ng cheesy at madramang palabas dahil madali ka maapektuhan. (hahaha)

19. chillax lang. swabe lang parati. wag masyado mamroblema. wag masyaod magalit. basta happy happy parati. (pero wag sumama sa inuman at sayawan.haha)

20. higit sa lahat, read THE BIBLE on a daily basis.

hindi ata new-year’s resolution to. sort of ADVICE ata to haha. anyway. basta ang wish ko ngayong magbabagong-taon, nawa maging masaya na talaga. as in masaya. last year kasi nasimulan ko ang taon na medyo bitter ako. kaya whole year, malungkot. bitter.

part of learning naman ang mga nangyari so di naman ako nagsisisi. basta this coming year, bagong buhay na talaga. wag masyado magfocus sa malulungkot na bagay. enjoy lang.

kaya naman, super thankful tLAGA ako kay PAPA GOD. in everything He gave to me. lahat lahat as in. i know and i believe na still, all things work together for our good. amen. amen. amen.

so this is just a quick post. i hope lahat tayo mag-eenjoy ngayong bagong taon. gaya ko. naeeksayt ako sa mangyayari mamaya sa hospital. hahahaha. till here folks. see yah next year!!!

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT :) )

p.s. thankyou sa mga online friends ko. di ko na kayo iisaisahin. lam niyo naman kung sino kayo. kung sino ang gumabay at umaalalay sakin lalo na nitong year 2009. i love you all. and…i mess you!!

Dec
24

merry christmas :)

Posted by yeye

random post po. sorry pero wawarningan ko kayo..may flight of ideas ako sa ngayon. hehehe.

24 na pala ngayon…di ko na namalayan. at di ko masyado maramdaman. hala. ayan na. emo na naman ako. sorry naman. intro palang, sige na. wag mo na to basahin. sayang effort mo. hehe

anyway, ngayon na lang ulit ako nakapag-update ng blog. ewan ko ba. bihira na lang ako makapag-net eh. swerte na nga lang na libre net dito sa hospital, yun nga lang hindi updated ang version ng explorer. ang hirap magupload ng pics sa fb. at walang new tab. kaya tinatamad din ako mag-bloghop. haha. sorry naman. oo na tamad na. enge na lang computer. kei?

so anu na nga ba latest chika? hmmmmm. so far, dami activities dito sa BVMC.

syempre unang una, ang pagiging volunteer nurse. may araw na dami kaming on duty, konti pasyente. tapos konti nurse, dami pasyente. nakakalurkey ano?! lalo na last week. andami namin admisyown (spelling intended). hanggang 3pm lang duty ko pero naka-out na ako ng 5pm. grabehan sa pagiging toxic! hahahaha

at nung isang araw pa, may pasyente kami na german sheperd ay este german lang pala! so musta naman. epistaxis. super english. pero siya di masyado marunong mag-english. simpleng words lang alam niya. pero natoxic ako sa kanya nung tinanong ko na “is your urine plenty or few?”. di niya maintindihan ang plenty pero nung sinabi ko na “many” ayun naintindihan na niya. hahaha

next naman ay yung christmas party. ang masasabi ko lang ay ito na ata ang pinakamasayang party na nadaluhan ko. first time ko magsasayaw ng bonggang bongga pero…di po ako uminom. ayaw. ayaw talaga sakin ng red horse at san mig light. thanks. buti na lang. hahaha. pero ang saya. having conversations with sober people..ang saya! pakiramdam ko pati ako lasing. hahahaha.

yan lang oh. tanduay ice. di ko pa naubos. hahaha. lollipop na may ilaw you like?

nung december 21 naman, may programme sa plaza dun sa bayan kung saan andon ang hospital. sponsor ang hospital at sister companies dun sa nasabing program. at dahil dun, ang nursing service dept ay nagintermission numbr. haha. sumayaw kami bad romance. hahaha. nakakahiya. di naman talaga ako sumasayaw sa harap ng mga tao..pero gora na lang ako since di naman nila ako kilala, okay lang kahit mapahiya. hahaha

more pictures here: ?COMPOSO SA PATUBAS.

buti na lang ngayong bisperas ng pasko, hindi ako naka-duty. pero kinabukasan, december 25, morning shift naman ako. hahahaha. saya naman. balak ko sana na matulog na lang kaso, maguupload pa ako ng pics. kaso ngayon naman di ako makapagupload. nakakalungkot naman. ito na nga lang idlip ang asikasuhin ko.

haaaaay. so obviously, i’m enjoying the people here at iloilo lalo na sa workplace ko. pero, nakakamiss ?ang mga tao sa manila. lalo na pamilya ko. ito ang unang pasko na hindi ko sila kasama. oo, walang celebration sa bahay tuwing pasko., pero ngayon ewan ko ba. bakit ramdam ko ang lungkot. di ako sanay na wala sila. kasama ko man relatives ngayon, pakiramdam ko incomplete. hay. nawa masaya sila ngayong pasko kasi walang pasaway sa bahay. at ako yun. (shet emo na naman)

share ko lang, kagabi sa bahay ng tito ko, di ko maiwasan maluha na as in gusto ko talaga umiyak. pumasok ako sa kwarto at sinabihan sarili ko na: “irish, wag ka umiyak please.” tapos biglang may tumugtog sa labas: “OH IT”S CRYING TIME AGAIN…..”. – shit. /wrist. hahaha

hay nu ba yan. tapos sabay di pa nagpaparamdam ng matino ang mga closest friends ko. naiinis ako. huhu

tama na nga. paskong pasko, ganito ako. pwede ba?? pakisampal ako please?

dapat pa nga magpasalamat ako ngayon kasi sa totoo lang marami na akong blessings na natanggap at matatanggap pa. and HE’s the reason why WE live. siya talaga ang STAR ng PASKO

MALIPAYONG PASKWA SA TANAN

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT

MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!

xoxo,
yeye

[edit]
just been to lifeisfullofbeaches.com
oh my. ang saya naman ng pasko ko
:(
happy birthday sissy vanny.
[/edit]

Dec
11

ang hirap

Posted by yeye

talaga mag-alaga ng matanda.

nalulungkot ako ngayon kasi nung isang araw, umalis na yung nag-aalaga sa lola ko. halos two years din siya tumira sa bahay, kasama ng anak niya na 3 years old.bakit sila umalis? lumipat sila ng bahay, kasama ng kanyang asawa

syempre, sino mas pipiliin niya? ang lola ko o asawa niya. malamang yung asawa niya.

sa totoo lang, nung october pa siya umaapila sa mga tita ko. naextend lang talaga siya.

bakit ako malungkot ng ganito? kasi naman sa aking pananaw, wala nang hihigit sakanya in terms of taking care of my grandmother. nung nagsimula mag-ulyanin lola ko, ayun, marungis parati lola ko, mapanghi ang bahay and parati may sakit. nung kinuha namin siya bilang “taga-alaga”, anlaki ng pinagbago ng lola ko. lumakas lola ko. mabango at malinis. magaling talaga mag-alaga yung si ate. magaling pa sa caregiver.

nagulat nga kami ng isa kong pinsan na nursing din ang course. parang nahiya kami sa sarili kasi pag nililinisan niya lola ko, di na siya nagggloves. kamay kung kamay. wala siyang pake-alam sa mabahong amoy ng dumi ng lola ko, nagagawan naman ng paraan yun. gusto niya kasi malinis talaga. ay grabe. saludo kami sa kanya.

dati, halos napabayaan na talaga lola ko. muntikan na nga maging bedridden. buti ngayon kahit papaano, kaya na maglakad with assistance. mas okay na yun diba. tapos nakakakain pa siya ng maayos, di tulad ng iba na naka-NGT (nasogastric tube) dahil di na kayang makalunok ng pagkain.

kaso yun nga, umalis na si ate. yung isa kong pinsan ang nag-aalaga sa kanya (ulit). may negosyo yun at may asawa. buti nga wala pang anak.gudlak talaga. hanggang pakain at paligo na lang ang nagagawa niya kay lola. ako man gusto ko tumulong, pero gawa nga ng duty ko, di ko rin gaano maasikaso lola ko.

kagabi, ako nagpakain sa lola ko, alam niyo naman pag matanda na, mabagal. tapos kami rin ng pinsan ko nagpatulog sa kanya.. kinakabahan ako kasi natatakot ako na baka mahulog mula sa kama..and all..hay bahala na.

di talaga biro ang mag-alaga ng matanda.

kelangan na namin maghanap ng mag-aalaga kay lola. yung masipag at mapagkakatiwalaan. at kung hinahanap mo ang kanyang mga anak. ayun siyempre may mga kanya-kanyang pamilya na diba. ambag-ambag na lang sila mama at mga tito at tita ko. kaso nakakalungkot din, ilan sa mga kapatid nila, mga wala man lang balak na kahit magbigay lang ng biscuits at prutas, di magawa. wala man lang malasakit sa nanay. tsk.

pero sa totoo lang, mapalad pa kung tutuusin ang lola ko kumpara sa ibang mga matatanda dito sa mundo. lola ko, kamag-anak niya ang nagaalaga sa kanya, yung iba, hindi nila kaano-ano ang nag-aalaga sakanila.

alam ko na darating din ako sa phase na yan. tatanda din ako. at ayaw ko maranasan yung walang mag-aalalaga sakin sa oras na tumanda ako. kaya ngayon, sa abot ng aking makakaya, ginagawa kong makatulong sa pinsan ko sa pag-aalaga kay lola. di man kami naging close ng lola ko pero ganun pa man, nanay siya ng nanay ko at siya na lang ang aking kaisa-isang lola. ang? paternal grandparents ko kasi at ang maternal grandfather ko, di ko na naabutan.

ikaw ba? pwede ka ba mag-alaga sa lola ko? hehehe :)

haaaay.

til here na lang ulet. sanamamaya makapaginternet ulit ako ng libre. sa hospital. hahaha :)