since tapos na ang 3 months contract ko sa hospital na kung saan ako nagtraining, eto, medyo naninibago ulet. bakasyonista mode na naman ako.
almost 4 months din ako dito sa iloilo..at sa totoo lang, napamahal na talaga ako dito sa lugar na ito. kung noon, wala lang kasi pumupunta lang kami dito tuwing kami ay magbabakasyon. first time ko tumagal ng ganito dito.
at syempre, marami akong mamimiss.
-ang masarap na pagkain dito (kanin, seafoods, prutas, batchoy, original mang inasal, chooks to go..etc)
-ang preskong hangin. (dito namahinga ang medyong weak kong lungs)
-ang blue sky at mga stars na kitang kita tuwing gabi.
-si lola, at mga pinsan ko.
-ang mga bukid, bundok, at dagat
-ang murang sinehan at 3d!!
-ang mga kaibigan sa hospital (staff nurses, co-volunteers, nursing aides, midwives, med techs, rad techs,guards, utility, ambulance driver, doctors, admin….)
-ang mga geriatric patients. (napamahal na ako sa kanila)
-ang mga nakaw na sandali sa harap ng pc ng central supply department (haha)
kung di lang talaga ako nahihiya sa mga magulang ko gawa ng monthly allowance, go ako na magstay dito. pero syempre, namimiss ko na rin ang manila. namimiss ko sila papa at mama, mga pasaway kong kuya, mga pinsan ko, inaanak, mga kaibigan….haaaaay.
nung last day ko sa hospital, medyo masaya na okay lang. masaya kasi napasaya ko ang mga tao sa isang ice cream kahit na patago ang pagkain namin. bwal na kasi kumain sa nurse’s station. hahaha. natawa pa nga ako kay doc (ung resident on duty)…tama bang sa hallway kumain. ayaw niya kasi sa station baka pagalitan siya, eeh sa hallway di naman sinabi na hindi pwede kumain dun. hahaha. tapos umuwi ako sa bahay at bumalik sa hospital, tumambay at after ng pm shift, dumeretso sa lamayan. (how nice naman ng aking night life dito sa iloilo – lamayan. haha)
at, talagang sinulit ko ang mga sandali kasama ang mga kaibigan sa hospital. natulog pa ako sa dorm for the last time
sa mga last huggs and kisses ko sa mga kasama ko, pinipigilan ko na umiyak. ayaw ko kasi masyadong madrama. basta masaya ako na nakilala ko sila…dibale may facebook naman at text. hehehe
sa sabado, nasa manila na ulet ako.
bago ko pala tapusin ang post na to, gusto ko palang malaman niyo na ang pinaka-mabigat na dahilan kung bakit hindi ako nagpaextend ng training sa hospital ay dahil kay:
KARMI.
hehehe. seeyah tol on march 12
hayun. cguro ito na ang last post na ginawa ko dito sa comp shot dito sa amin. hehehehe.
goodbye iloilo and hello manila.
goodbye full time RN and hello BUM!!
hahahahaha
bahala na kung anu mangyayari sa next chapter ng aking buhay.
basta….ENJOY NA LANG MUNA!