Daisypath Vacation Ticker

Feb 16

napadpad ako sa blog ni ate noemi at nakita ko ung Love Struck Writing Contest nya. dahil sa dami nang entries ko dito sa blog na panay tungkol sa pag-ibig, naisipan kong sumali. naghalungkat ako ng aking blog at itong entry na ito ang napili ko.. :)

Dahil sa isang bote ng Coke.

crush na kita noon pa, alam ko nga alam mo na eh.. alam na nga rin ata ng buong klase, pero gentleman ka pa rin dahil kahit na tinutukso tayo sa isa’t-isa di ka nagtake advantage sa sitwasyon.. tahimik ka lang at ngingiti-ngiti kapag inaasar tayong 2.. ako pa nga ang nahihiya para sayo, kung bakit pa kasi nakita nila ung tula na ginawa ko na nandon ang pangalan mo.. ano nga ba ang nagustuhan ko sayo? hmmm.. matangkad, gwapo rin naman, mabait at mapangasar din.. nakakatuwa kang panoorin kapag nakikipagkulitan ka sa mga kaklase nating lalake.. tapos ngingiti ka pa, hay.. wala na, mahuhulog na naman ako sa kinauupuan ko..

PE natin ngayon, social dance.. maghahanap ng dance partner.. bunutan ang mangyayari.. ilang santo na ata ang natawag ko para lang maging partners tayo.. pati ata ung mga kaklase natin eh gusto na tayo ang magkapareha.. tutal, pareho kasi tayong magaling sumayaw.. malamang sa malamang eh 1.0 na ang grade natin dito.. no sweat para sa atin, tapos malay mo pa maging more than dance partners tayo…. hay, iba pala ang epekto kapag hotdog lang ang nakain kapag lunch, gutom na nga, ang dami ko pang iniisip.. pero sana nga makapartner kita.. sana.. sana…

isa-isa nang nagtawag ung teacher natin, ikaw na ang susunod.. tumigil ata ang pintig ng puso ko pati na rin ang oras.. para akong aatakihin sa kaba.. sana ako.. sana ako…

…………..

ha? ano? sino daw? bakit parang di ko ata pangalan ang nabanggit? hay, hindi nga.. dun ka pa na-partner sa pinagseselosan ko.. ayos! wala na, di ka na magiging akin.. wala nang pag-asa sa ating dalawa… dahil sa sobrang ka-depressan ko, di ko na narinig na tinawag na pala ako ng teacher natin.. may ibang dance partner rin ako.. nakakatuwa naman ung partner ko dahil maloko rin, pero di ko mapigilang hindi ka tingnan.. mukhang nage-enjoy ka rin eh.. saka bagay kayo ng partner mo…

uwian na.. halos sabay rin ung grupo mo at mga kaibigan kong lumabas ng eskwelahan.. pero wala akong ganang makipagbiruan.. di ka rin nagsasalita.. bigla ka na lang nagpaalam sa grupo mo at sa amin.. may daraanan ka pa sabi mo.. ni hindi ka nga tumingin sa akin.. lalo tuloy akong nalungkot.. nahalata iyon ng mga kaibigan ko kaya naman inalok nila akong tumabay muna sa bakery dun sa kanto.. wala akong gana pero dahil sa magiintay rin naman ako ng jeep, pumayag na rin ako..

iniisip pa rin kita.. kung bakit ganito ako ka-apektado eh hindi naman tayo.. simpleng crush lang naman kita ah.. di na ako bumili ng pagkain, di ko na rin inintindi ung mga kwento ng mga kaibigan ko.. hay, ang tange ko talaga.. crush lang un.. crush lang… lumilipad na ang isip ko nang biglang makarinig ako ng hiyawan ng mga kaibigan ko.. nakaharap kasi sila sa akin at parang mga batang kinikiliti sa kilig.. di ko alam kung ano un, kaya’t lumingon ako patalikod.. at nandun ka.. o nga pala, kasabay mo kasi ung isa kong barkada pauwi.. nakalimutan ko.. nginitian lang kita dahil di ko naman alam kung anong sasabihin ko sayo.. pati ata ikaw eh nahiya na rin.. may hawak ka at inalok mo sa akin..

gusto mo ng Coke?

at doon na nagsimula ang lahat….

Popularity: 100% [?]

22 Responses to “Love Struck Writing Contest”

  1. AyieneNo Gravatar Says:

    Ayikii. Nag-enjoy akong basahin to. Swear. :)
    Wala, kinikilig na ako. HAHA. (:

    ===

    salamat at kinilig ka ganda.. ^_^ hehehe..
    sa tuwing nababasa ko nga yan, nikikilig pa rin ako.. lol

  2. Love Struck Writing Contest » A Filipina Mother's Recovery Notes » Says:

    […] 22. Karmi- Dahil sa isang bote ng Coke […]

  3. ignoNo Gravatar Says:

    Wow.. papano ba ang rules diyan? puwede ba ang bagong entry?

    hehehe

    ===

    oo naman kuya. basta kwentong pag-ibig. :)

  4. kingdaddyrichNo Gravatar Says:

    nagsimula?

    natapos na ba?

    guess wat guess wat.. :))

    ===

    ano un?

  5. Holy KamoteNo Gravatar Says:

    post-balentayms-post ba ito? waaaaah.
    penge na nga lng ng coke. n_n

    ===

    ala nang coke eh, pepsi na lang.. :)

  6. Dakilang TambayNo Gravatar Says:

    gusto ko ung start — crush kita noon.. hihi.. kinikilig naman ako.. gusto ko sumali jan.. hehe

    ===

    sali ka na! :D

  7. yeyeNo Gravatar Says:

    panalo pang-peyups ang dating karmi! hehehe….mahalungkat nga ang blog mo malamang madami pang magandang entry tuad nian hehehe

    ===

    peyups? wow. bigatin na un eh! ibang lebel na un yeye.. hehehe..

  8. roselleNo Gravatar Says:

    ay ang ineng inluv kung inluv =) missed u karmi. u take care always ok. mwah!

    ===

    lagi ata akong inlove.. hehehe.. tenk you roselle. :)
    take care ^_^

  9. noimeNo Gravatar Says:

    nako. nako. nako.

    fagivig nga naman oh. :)

    ===

    hahaha. o nga, lagi na lang ata akong inlab.. kamusta naman un? hahaha..

  10. PahnNo Gravatar Says:

    hayz,, naalaala ko tuloy,, meron din akong ganang exp.. kaso nakalimutan ko inalok ko,, saka sino ng particular girl,, haha,, palaboy talga ako :lol:

    ===

    ganon katagal na ba un? hehehe.. hindi ba si anime girl? hmmmmm…

  11. JanisNo Gravatar Says:

    Hi Karmi!!!!
    First off, wow. i love your new theme. :) (New ba ito? Or baka matagal na lang talaga ako hindi nakakadalaw dito?)

    Anyway, ay oo nabasa ko na yan, mga around 2006 ata? Gusto ko yannn… cute eh. Pwedeng title dyan: ISWAC. It Started With A Coke. :D hehehe. corny ko.

    ===

    janisjanisjanis!!! ay missed you!
    salamat.. =) me heart my new theme too.. nakailang palit din ako eh.. hehehe, i think im gonna stick to this one. ^_^

    waaaaa,, ISWAC! perfect title!!! sayang di ko naisip un… hahaha…

  12. FINCHNo Gravatar Says:

    “ito ang beat sabay sabay, ito ang beatbawal sablay,
    pabilis nang pabilis, wag mag mi-miss wag mag mi-miss…
    gets mo na? gets ko na!…AHHH…cocacola!
    nalilito,nalilito,na hi-hilo, na hi-hilo…….
    coke ko to (3x) ” - theme song for the entry above ;)

    kudos!

    ===

    napa-beat tuloy ako. =) hehe..

  13. joannaNo Gravatar Says:

    haha. mei napansin ako..mahilig ka yata magadvertise ng mga products. hehehe

    ===

    mejo nga ganda.. hehe.. sana lang bayaran nila ako diba? :D

  14. irisNo Gravatar Says:

    looks like your valentines hangover will stretch until who knows when :) and mushy ng mga entries mo! in love ka talaga no? hehe.

    ===

    lagi ata akong inlove ate.. hehehe..

  15. gykNo Gravatar Says:

    wow. galing

    ===

    salamat.. :)

  16. majorNo Gravatar Says:

    I was wondering, wala pa ba coke in can nung panahon na yun? hehe…

    ===

    kuyyaaaaaaaaaaaa!!! naligaw ka sa blog ko.. hehehe.. :P
    hmm, taong 2000 un eh.. malamang meron na.. pero, coke sa bote ung inalok nya sa akin eh.. :)

  17. joannaNo Gravatar Says:

    heheh. anyway. sino ang mga pwedeng sumali sa Lovestruck cheverlie? hehehe

    ===

    kahit sino ganda, basta gawa ka lang ng love struck entry.. ^_^
    hanggang 23 na lang to eh.. sali ka ba? :)

  18. LA LOPEZNo Gravatar Says:

    Pa sway-sway sa kilig.. hahaha

    Goodluck sa contest karmi ;)

    ===

    goodluck din kuya. ^_^

  19. Dakilang TambayNo Gravatar Says:

    may entry na din ako karmi.. hehe

    ===

    talaga? :) sige basahin ko po.. ^_^

  20. vannyNo Gravatar Says:

    aysus! kaya nmn pala zero ang lovelife ko kc dahil sa coke! i dont drink softdrinks eh.. tsk tsk. ang figure.. haha.. arte.. hmmm.. does diet coke will do?

    ===

    hahaha, nagpapapayat ka kasi ganda.. :P
    hmm, diet coke? siguro, pero di ganon ka-epektib.. ^_^

  21. randomdemeanorNo Gravatar Says:

    ahhh..dun pala nagsimula ang lahat…mkabili nga din ng Coke..baka dun din magsimula ang lovelife ko…nyehehehh!!!

    ====

    oo, bili ka na ng coke.. :D swerte un! hehehe..

  22. Two Year Blog Anniversary & LoveStruck Winners » A Filipina Mother's Recovery Notes » Says:

    […] Love, a change in perspective 20. KingDaddyRich- Siya 21. Klinne- Nang dahil sa YM 22. Karmi- Dahil sa isang bote ng Coke 23. JHS- It All Began at Chuck E. Cheese’s 24. Buds- Sleeping Prince 25. Vloe- One More Time 26. […]

Leave a Reply