Nov
28

DAY OFF

Posted by yeye

warning: mahabang post. nakakaantok. pwedeng mag-skip. kaw bahala. hahaha

ikaw na nagbabasa ngayon dito sa idlip.net, hello sayo. ang swerte mo may bago akong update. haha

nagsimula ako mag-duty bilang volunteer sa staff nurse sa isang secondary hospital dito sa isang munisipalidad ng iloilo noong lunes, november 23. matapos ang first week of training, kamusta ako?

sa totoo lang, nahihirapan ako. nung una mukha akong tanga. lam niyo yun. saka ko lang naalala na hindi na pala ako estudyante para alalayan sa bawat kilos na gagawin ko. na-realize ko na wala na pala ako CI (clinical Instructor) na dapat gumabay sa akin. All by myself ang drama.

first day, hindi man lang ako na-orient ng maayos. sa ER-OPD ako nalagay pero, la namana ko masyado nagawa since hindi ako naorient ng maayos..di ko alam kung pano ako kikilos. nu lang nagawa ko nun? nag-regulate ng IV at nagbantay ng pre-mature baby na namatay pa. ang saklap. first duty, namatay pasyente ko. kawawang anghel. huhu.

na-tanga pa nga ako nung una eh. nag-cyanosis si baby, bigla ako nawindang. (doh). nasaksihan ko ang paghihirap ni baby. oh well, sabi nga ni Bro kay santino, lahat ng tao ay may kanya-kanyang panahon. at panahon na yun ni beybi.

second day, nilipat ako sa Station 2. ward yun. as usual, di ko parin lam yung sistema. although nabasa ko na ung SOP ng hospital pero carry lang talaga. may kasama akong volunteer din. ayun di na panis laway ko. kaso nga lang, ang sipag niya sobra. siya na lang tumutulong sa staff nurse. okay. sige siya na lang. hahaha.. buti na lang nung afternoon, pinapasok siya sa OR. at doon na nagsimula ang aking pagiging busy. :D

third day. noon ko napansin na naliligaw ang aking skills. gusto ko maiyak. nag-NGT feeding kami. minimal errors lang kasi antagal na nung huli akong nagpakain ng pasyente. parang first time ko. nairita lang ako kasi nung una talaga pinapakealaman ako. kaya aun namali ako. di ako maka-konsentreyt at nangangatog talaga tuhod ko nun (bukod kasi nung umaga nun, nahirapan ako sa pag-ebs. constipated).

naasar din ako kasi yung isang staff, ako yung tinuro nung tinanong kung sino nagkamali dun sa chart. alam ko parang wala yun pero kasi doctor yung nagtanong..tas di naman ako nagkamali. ako yung tinuro. amp badtrip.

third day, ward padin. nageenjoy ako mag-alaga ng geriatric patients (mga oldies). nakakatuwa. sana lang kasi fluent na ako mag-bisaya para anu..hehehe

first time ko maka-pasok sa OR. circulating nurse. na di naman talaga nag-circulate. hahaha. first time ko makakita ng ORIF case (open reduction internal fixation). ung nilagyan ng bakal yung buto. basta yun. astig. nakakita na rin ako sa wakas ng binarena na buto. hahaha. mga 4 pm pinapauwi na ako kasi baka wala na daw ako masakyan, nagpapapigil ako. tinanong tuloy ako ng surgeon sabi ko “curious lang ako kung panu gawin yung ORIF” yehes naman for me. napaka-bibo ko. hahaha. 6pm na ako nag-out. at buti na lang may nasakyan ako. hahahaha. grabe kasi 6pm palang dito, napakadilim na.

fourth day. masaya ang duty. kasi this time, mabait ung staff nurse. kasi nakasabay ko siya kagabi nun sa tryk. ayun magkalapit lang kami ng inuuwian tska lolo niya nakaconfine nun eh ako nagmomonitor kay lolo kaya ayun. tas kakwentuhan ko about sa review, naging reviewer din kasi nila noon sila sir aliswag at sir laboy. hehe. wala lang.

tapos ako lang volunteer nun. so musta naman. 12 patients namin. hahaha. toxic kung toxic. :D tas pauwi na kami, biglang nagchills isang patient, so as usual, over time again. scarcity nga naman talaga ng nurses sa probinsya.

fifth day, kahapon. usual day lang. palipat lipat ako ng area: ward-opd-or-ward. hay. ayaw ko sana pumasok sa OR kasi appendectomy lang naman ang case, eh kaso no choice ako, ako lang circulating nurse. hahaha. at no choice din yung scrub nurse na monday pa lang eh di ako masyado kinikibo. yun pala, ilang siya makipag-usap sa akin. nahihirapan siya magtagalog. hahaha. kaya pala. so ayun

di naman ako masyadong natoxic kahapon. ung kasama ko lang na naiwan sa OPD. hahaha. sabi ko nga master of arts in nursing major in vital signs monitoring na kami. LOL

ayan. summarized na yan. dami ko sana gusto ikwneto kaso hahaha. uhmmmmm…sori naman sa mahabang post. intro pa lang yan :D

so far ito ang ilan sa mga natutunan ko simula nung nag-duty ako:

1. i have to accept the fact na iba iba ang personalities ng mga workmates mo. talk about individual differences. oh well. dito ko masusukat ung “pakikisama skills ko”. carry on!

2. ngayong lisensyado na ako, i have to be careful with all my actions. gaya nga ng sabi ko, wala na akong CI na mag-gagabay sa akin. kahit na may senior nurse akong kasama, iba pa rin talaga yung independent actions na meron ako. kelangan pairalin ang pagiging assertive ko at all times. at ayun, bawal ang careless! (aray)

3. natutunan ko na kelangan umuwi ako ng maaga or else hindi ako makaka-uwi. unless magpapasundo ako sa tito ko na naka-motorsiklo kaso natatakyut ako. haha

4. natutunan ko na di rin pala ganun kadali ang mawalay sa parents. pero i’m adapting naman. i’m learning to be responsible now. buti nalang at walang computer at net sa bahay, nakaka-concentrate ako sa ibang bagay tulad na lang ng araw araw na paglalaba ng uniform ko at paghahanda ng pagkain ko tuwing umaga at kung anu anu pang pag-asikaso sa sarili na dati hindi ko nagagawa. at oo nga pala, marunong na ako matulog ng maaga ngayon. 9:30PM. beat that :D

at syempre may kelangan pa ako matutunan. ang magsalita ng bisaya. pero mukhang baliktad ang nangyayari. sila ang natututo magtagalog (straight) kesa sa ako ang matuto magbisaya. hahaha

masarap din dito sa probinsya kasi presko ang hangin. therapy para sa nanghihinang lungs ko. hehe. at wala ring oposisyon. walang maingay na mama. hay nakakamiss naman nanay ko. hehe

at since ngayon lang ulit ako nakapag-online at mukhang matatapos na naman ang time ko dito sa shop, uhmmmmm sasabihin ko pa na pasensya kung hindi ako nakakapag-bloghop. nawa maintindihan niyo. hehehe. tipid mode din kasi ako kaya ayun. at wala ng oras para makapag-net during duty days panu lagi overtime. buti na lang may DAY OFF ako

so yun lang. balik uli ako next week. :) muntanga lang nagsasalita ako wala naman ako kausap. hahahaha

atleast alive na rin kahit papaano ang idlip.

catch me at uzzap. :)

un lang.

byeeee…Godbless us all :)

Nov
19

petiks mode

Posted by yeye

after four days, nakapag-online na din :)

ayun. andito na nga ako sa iloilo. parang kelan lang. akala nga ng iba hindi ako umuwi ng maynila. hahaha. oh well papel.

so anu na nga? wala lang. nagreport ako nung monday dun sa hospital. aba ang lola niyo ay nag-ayos ng sarili nang biglang……okay…wala pang 5 minutes yung usapan namin nung chief nurse. oha oha. ang effort!! hehe

sa monday na daw ako magstart ng training, sa november 23. dapat nga nung tuesday weh. panu, wala pa akong uniporme. prepared much? haha

so petiks mode pa ako ngayon.

di pa ako nakakapag-scan ng books at ng kung anu anong anik anik. wala. di ko alam ang gagawin ko sa monday. ang sabi lang sa akin ay pumunta ng maaga, 7-3 ang shift. pagdating ko, iintroduce ko daw ang sarili ko sa mga staff nurses. wow. wow n wow :D

so bahala na nga.

btw, you can still catch me online, sa YM nga lang. pina-open line ko na ung 6288 at nakabili na rin ako ng smart buddy sim card. i can use UZZAP anytime. add niyo ko. irish1029 :D

ayun lang. quick update. :)

seeyah when i seeyah. aymsoweksayted to be an RN on the gow. hahahaha

Nov
12

i’m flying back to iloilo

Posted by yeye

on monday.

grabe. di ko talaga ineexpect na tatawagan ako nung hospital na inapplyan ko for volunteer. akala ko talaga wala na kasi wala akong IVT training.

nagulat na lang ako kahapon, tumawag yung chief nurse. akala niya nasa iloilo parin ako. oh well. nakiusap ako na kung pwede sa monday na lang ako magpakita sa hospital. haha

and yes. pumayag siya. with kapalit. kukunin ko ung prc id niya either sa thursday or friday. wait ko authorization letter niya. hahaha. wais si ma?am!! hahaha

secondary hospital lang yun malapit sa bayan namin. libre training. for three months. ayus na ano? napag-alaman ko kasi na maganda daw talaga training pag sa province?tas ang hirap kasi dito sa manila, walang slots. tas may bayad pa. eh di dun na lang ako. maalagaan ko pa lola ko at the same time. tsaka gusto ko rin subukan mabuhay na hindi kasama ang aking magulang :)

very thankful ako sa parents ko na super supportive sakin na handa talaga gumastos para lang makapag-training ako.

3 months lang yun. ayus na siguro ano? gusto ko lang kasi makaranas muna ng clinical experience (though meron na nung college pero iba parin pag post-grad na ayt?) bago ako mag-enroll for MA. :)

calling the attention of miss joyceeee. eto dahilan kung bakit sana within this week, magkita tayo. hihi. sayang butterscotch niyo ni helena. hehehe :)

anu ba kelangan kong iimpake? naeeksayt ako. hahaha. salamat Lord :)

yun lang. all things work together talaga for our good. thanks Bro for all you?ve done to me :)

(repost from tumblr acct.)

-hay. so this only means that magiging inactive na ako dito sa idlip.net. sad to say pero kelangan kasi. di ako mangangako pero i’ll do mybest para makapag-update, kahit na wala na gaanong visitors sa site na to. the heck i care. basta makapag-blog lang ako, ayos na sa akin yun.masaya nga eh kasi hindi na ako bum. for three months. hahaha :) )

nahihiya nga ako kay Karmi eh kasi naman binigay pa niya sa akin to eh hindi naman gaano updated. tsk tsk.

malamang ang aking next update eh nasa iloilo (na naman) na ako.

salamat sa pagtangkilik sa idlip.net. thank yooouuuu soooooo much :)

BBFN as in Bye Bye For NOw

palagi,

yeye

Nov
09

nagbabalik

Posted by yeye

akshweli, nung friday night pa.

hmmmm hindi ko alam kung magkkwento pa ako oh ano. anu nga ba nangyari sa akin dun sa iloilo? 10 days kami dun. hehehe.

1. dun ako nag-bday. :) CLICK ME FOR PIX tapos bday din ng anak ng second cousin ko

2. first time mag-spend ng todos los santos sa sementeryo. weeeee

3. mission impossible na application for volunteer staff nurse. hahaha. kasi naman wala akong IVT training. pero ayus lang. ayus lang. hehehehe

4. nakitulog sa bahay ng pinsan ko na mukuklit haha

5. anu pa ba? la na masyado. namasyal sa tabi tabi. hahahaha

wala naman masyadong happening nun. ay, nga pala. marunong na ako mag-shake. hahaha. nung una takyut pa ako gumamit ng blender hehehehe

more pictures here:

while waiting at naia3

Iloilo escape – eto ang totoong farmville

random pics..

nawalan na ako ng gana mag-blog simula nung maging busy ako. di na nga ako nakakapagbloghop. sorry. sisihin ang tumblr. hehehehe..sorrry tol carme..hay kahiya na…

subukan kong magbloghop ngayon kaso antok na ako.

hhehehehe

hahaizt

Oct
29

BINATA NA AKO

Posted by yeye

(scheduled post to. alam niyo naman kung bakit. hehe)

at dahil nga scheduled post to, di ko alam kung ano mangyayari sa akin sa mismong araw na kung kelan ito maipopost. so ano nga ba meron?

kaarawan ko lang naman. yun lang. ktnxbai.

hahahahaha. HAPPY BIRTHDAY TO ME :) I LOVE ME! hahaha

21 na ako. binata na ako. debut ko. LOL. uhmmmm anu ba sasabihin ko? hehehehe.

unang una, i’ll take this opportunity to thank our Almighty God for giving me another year in my life. thank you BRO :) Thanks for everything. i love You :)

at dahil scheduled post nga to, di pa ako makakapag-pasalamat sa mga tao na bumati at babati sakin. nekstaym na ang special mention. hehehehe :) atsaka this time di muna ako magpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay na sadya namang nagbigay kulay at sigla kahit papaano. kilala niyo naman kung sino kayo diba? basta thank you sa inyo.

sa mga online friends and other bloggers, salamat sa patuloy na pagtangkilik sa idlip.net kahit alam ko na sabaw na sabaw na itong blog na to. di ko na kayo iisa-isahin..basta salamat..hehe

at para sa aking birthday post, hayaan niyo muna ako isa-isahin lahat ng hapi and sad moments na nangyari mula oct 29, 2008 hanggang ngayong oct 29, 2009.? salamat talaga kasi ang daming nangyaring maganda nitong nakaraan, kahit na syempre di maiiwasan yung mga sad moments hehehehe. okay let’s start! :

1. binreak ng boypren. SAD
2. gumradweyt ako. HAPPY
3. i MISSED vanny. SAD
4. ex lied to me pala. SAD
5.nag-board exam at nakapasa. HAPPY

6. nag-oath taking sa SMX. HAPPY

7. nakita at nakausap si ex. CONFUSED

8. pero nakita muli ang pinakamamahal na kapatid-slash-bestfriend na si domz. HAPPY

9.nasalanta ni ONDOY at PEPENG ang pinas. disaster. SAD

10. nakatulong sa mga nasalanta ni ondoy. HAPPY

11. nakuha yung lisensya sa PRC. HAPPY

12. nagtraining ng BLS-SFA sa Redcross last week lang. HAPPY
13. at ngayong araw na ito na binabasa mo ito, andito ako ngayon sa iloilo. oh well. bakasyonista mode. hahaha

ilan lang yan sa mga highlights….nalimutan ko na yung iba. hehehe. basta yan. medyo boring ano? wala eh. BUM padin kasi. ala man lang adventure. hehehehe..pero kahit na. masaya parin ako above all. RN na kasi ako. PRICELESS :)

wish ko ngayong kaarawan ko? marami eh. gusto ko ng digicam, laptop, iPod touch, bagong cellphone, chucks, etc. wah masyadong materialistic. hehehe. uhmmmm gusto ko lang naman eh yung maging masaya ako na as in happy talaga. sana this year. yung mga nakaraang kaarawan ko kasi parati sablay. hayun. hopefully. atsaka nawa, magkaroon na ako ng trabaho, kahit training lang sa hospital. langya kasi. bakit ngayon pa ako nagsisi na nag-narsing ako. too late na. haha. basta. i believe in Him naman…bibigyan Niya ako ng work..Thy will be done. :)

so much for my birthday post.

**crossing my fingers**

“Lord, take over”

I’m now October 29, 2009 – october 29, 1988 = TWENTEEN ONE. hahaha :) )

Oct
28

mabaho

Posted by yeye



featuring our napakapoging instructor at redcross: Sir Robert. hahaha

para sa tema ngayong huwebes sa LP

ito ang aking litrato

ito ang universal sign ng mga tao sa tuwing sila ay may naamoy na mabaho.

so sir robert? anu ba naamoy mo? hehehehe

quick post lang po

Happy Huwebest sa lahat mga ka-LP

Happy Birthday skin. hehehehe

:) )


Oct
26

i’m goin gone gone far away….

Posted by yeye

halos dalawang linggo ako nawala dito sa idlip. pasensya ha. kung walang further notice. pero bakit pa ako humihingi ng sorry? ala rin naman masyado bumibisita dito . hehehe. sorry na lang sa mga bumisita dito. pero eto na ako, nagbabalik :)

bakit nga ba ako nawala?

nung last last week kasi, yung inaanak sa kasal ni mama, nagkaroon ng sari-sari store dito lang din sa amin, sa may kanto, malapit sa talipapa kuno dito sa lugar namin (bahala na kayo mag-imagine). wala siyang tinda na load kaya sinabihan niya ninang niya (na mama ko) na mag-stay daw ako dun sa tindahan nila, andami raw kasi naghahanap ng load. pumayag ako.

totoo nga, andaming nagpapa-load! matao kasi dun eh kesa dito sa location ng bahay-slash-tindahan namin. at ayun na nga. halos isang linggo ako tumambay dun sa tindahan. biglang nag-boom yung autoloadmax at eload business namin ni mama. hehe.

kaso good for one week lang kasi last week, nag-start ang training ko sa redcross. Basic Life Support and Standard First Aid. 6 days. masaya. sobrang saya. CLICK MO AKO for pictures :) HEY HEY ARE YOU OK? IM A TRAINED FIRST AIDER,CAN I HELP? hahahaha

iyan lang naman ang dahilan kung bakit di ako nakapag-update. biglang na-busy ang aking buhay. hahahaha. bigla akong na-toxic!!!

sa totoo lang nakakapag-online naman ako eh. yun nga lang nitong isang linggo biglang nagloko yung dsl. mag-uupdate na sana ako kasi biruin mo yun every 3 minutes nag-didisconnenct yung dsl! tinamad na tuloy akomag-update.

atsaka, busy ako. sa tumblr. hay. blame tumblr. blame it!! hahahahaha

tumblr na lang ang nauupdate ko tuwing nakakasingit ako sa pag-internet dito sa pc namin. so sorry naman hehehe

at ngayon andito ulet ako. para magpa-alam na talaga. sa nakikita niyo sa larawan sa itaas, karatula yan sa tindahan namin. si mama, nagpaalam din sa kanyang mga customers. hehehe. oct 27 to nov 6, ako po ay mawawala. wala po kasing kasiguraduhan na may internet shop sa probinsya namin. alam kong meron, pero kasi, nasanay na kasi ako sa libreng internet. hehehe. ten days lang naman eh. asar kasi ung OM. di ko na magamit. huhu.

pero gumawa na po ako ng scheduled post dito para sa huwebes. salamat wordpress, may birthday post padin ako kahit papaano. :) haburdey sakin sa huwebes. hehehehehe

ayun lang. mamimiss ko ang internet. ang tumblr. ang twitter. ang fb?(haha) at ang ym.

HIATUS ON.
will be back on nov 6? baka nov 7 na. hehehehehe

xoxo,
yeye