commercial muna: may bago akong featured pic! hehehe yehey!! punta kayo dito:
hehe cge basa ka na.
![]()
Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isip ko. Minsan gusto ko na sapukin ang sarili ko para naman matauhan na ako kung sakali. Ewan. Di rin naman ako ang laman ng isip at puso niya. Balewala na ako sa kanya. Yun ang pakiramdam ko. Ngiti na lang ako.
Madaming nagbago simula noong magtapat ako sakanya. Wala eh. Di ko napigilan. May nanligaw kasi sakin nun, eh SIYA ang gusto ko. Akala ko, sa pag-amin kong iyon, sasabihin niya din na mahal niya ako. ang aking inaasahan na para bang sana lang mapunta ako sa kanya at hindi sa iba. Kaso, tinawanan niya lang ko.? Sige. Ngiti na lang din ako.
Akala niya siguro nagbibiro lang ako. Sabi pa niya sa akin kulang lang daw ako sa tulog. Palabiro kasi ako eh. Masakit yung ginawa niya. Kung kelan seryoso ako saka naman siya hindi naniwala. Masakit. Sobra. Ngiti na lang ako.
Sinabi ko na lang na kalimutan na lang niya lahat ng sinabi ko. Eto naman, masunurin, kinalimutan nga. Salamat ha!
Matapos ang lahat ng nangyari, bumalik uli sa dati. Yun bang parang walang nangyari?? Ngiti pa rin ako.
Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi pa rin ako tumigil sa pagpaparamdam ng aking pagmamahal sa kanya. Kahit alam kong masakit, nagpapatuloy pa rin ako. Nagbago siya. Hindi na tulad ng dati na lahat ng atensyon niya nakatuon sa akin. Ngayon, Parang hangin na lang ako sa kawalan. parang wala lang. Pero mahal ko pa rin siya. Ganyan naman ako, martyr. Nasasaktan ako, oo, ganyan naman talaga ang pagmamahal diba? kelangan talaga masaktan alang alang sa iyong minamahal. Kaya parang ok lang ang lahat. Sana. Kaya ngiti na lang ako.
Pero minsan, naisip ko na kalimutan ko na lang siya. Paano naman, wala na ako mapapala sa kanya – sa mga ginagawa ko sakanya. Wala. Para akong tumatakbo patungo sa kanya ngunit di ko naman mahabol. Ngiti na lang ako. Di pa nakakapagod.
kaso di ko magawa – mahal ko talaga siya. Bahala na, hindi man niya suklian ang pagmamahal na binibigay ko, basta lang maipadama ko lang sa kanya, ayos na sa akin. at ngingiti pa ako.
Nung kaarawan ko, siya ung pinaka-unang bumati. Eksaktong alas-dose impunto sa cellphone ko, nag-text siya. Natuwa ako. Tuwang tuwa. Halos maiyak pa nga ako nun. Syempre pakiramdam ko espesyal ako sa kanya. Parang biglang naka-ramdam ako na may pag-asa pa para sa akin. kaso, may biglang bumulong sa isip ko. Binabalaan ako na tigilan ko na ang pagpapantasyang ginagawa ko. bati lang un. Di un big deal. Ngiti na lang ako.
“Minsan para ka palang nagmamahal ng pader. Habang mas pinagdidiinan mong itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. Pero siya, hindi pa rin natitinag”
Haaay. Sa totoo lang hinhintay ko pa din siya. Hindi ako umaasa pero alam ko magiging ok ang lahat. Handa akong masaktan para sa kanya. Kahit masugatan ako at tuluyang masktan, gagawin ko na lang ng nakangiti.
Tama. sa isang ngiti lang para maibsan ang lahat ng sakit. Ngiti na lang ako.
========================================================
ito ang aking entry na saling ketket for e{kwento]mo contest ni tol Karmi at kundiman.net

punta ka na lang dito for the mechanics. E[kwento]MO
dali!! hanggang oct 4 na lang ang submission ng entries!!!
tol karmi, senxa na kung ngayon ko lang naadvertise ang pakontest mo dito sa idlip. busyness eh! hehehe ayan ha nagpasa na ko. saling ketket din ehehehe.
berd, kung mabasa mo man to. oo siya ung timutukoy ko. pero matagal na to ok. wag selos ha.
oo totoo talaga tong pinost ko. hahaha. ang emo noh. hehehehe
cge un lang. sakit ng ulo ko. increased ICP. info overload dahil sa pharma lecture at exam kanina. pero happy ako, naka 61/75 ako. di na masama. hehe. thank you Lord.
sa aking bagong bahay. thanks to karmi, akin na daw ung idlip. hehehe. muwaaaah. idlip poreber!! Dito ko nilalagay ang lahat ng maisip ko, maging non-sense man o hinde, ala kang pakialam. Mag-iwan ng bakas, wawawi, may shoutbox na ako hehehe. Nakakayamot ang mga squambis, anonymous, eroneous na tao . Pls lang magpakilala po kau, libreng libre yon., wag na mahiya hehehe.
- diba sabi ko nmn bukas ang shoutbox para sa lahat ng dadaan dito. Feel free to leave comments here. Pero matuto kayong pumreno. Respeto lang chi. So if you don't like me, and also my blog, you can click the "X" button at the upper right corner
of your browser. So..enjoy!!
for your kind vist. Maki-idlip na!
:july 21, 2010 7:43PM
: bored
: updates
: corned tuna
: The Heart of Worship devotional
: Smile by Uncle kracker
: wala
: hmm
: wala naman
: pera. haha
: panu magkapera
: july 22- nang guia

September 26th, 2008 at 12:49 am
hay naku bata ka hehehhe, kunyari anak kita
“yeye mano naman yun, ayaw nya wag nya…its his lost not yours…winner ka anak….go on, darating din ang para sa iyo, at pagnangyari yun, wag syang hahabol habol……”
September 26th, 2008 at 6:20 am
salamat sa pagsaling ketket tol.
uummm,, ito ba yung nakwento mo dati sa YM?! ummm, hehehe. ngiti na nga lang.
i know happy ever ka na ngayon tol, kaya todo ngiti ka na talaga.
September 26th, 2008 at 5:09 pm
ngiti lang ye!
malay mo naman…nag aantay lang din sya ng tamang panahon…
September 28th, 2008 at 6:08 pm
at isiningit tlga ang 61/75.
cheeseburger naman jan!
September 28th, 2008 at 11:53 pm
“Haaay. Sa totoo lang hinhintay ko pa din siya. Hindi ako umaasa pero alam ko magiging ok ang lahat. Handa akong masaktan para sa kanya. Kahit masugatan ako at tuluyang masktan, gagawin ko na lang ng nakangiti.”
Naku. Ganyan na ganyan ang sinabi ko nung nagpaparamdam na siya sa’kin. Biggest crush ko kasi siya e, pero siyempre, ayoko muna umasa. But we really have to take risks. Ayun, worth it naman ang risk ko.
Good luck sa ating mga lablayp!
September 29th, 2008 at 2:31 pm
stage pic! lol.. nirehearse mo pa ata yan.. hahaha
wala akong comment sa entry.. blah blah blah blah blah na lang.. xoxo
September 29th, 2008 at 3:23 pm
Ganda ng bagong theme mo, pati header.
Yung lablayp mo, parang si misis ko nuon.
Sa pren nyang gurl nga lang nya inamin kaya hindi ko alam. Humingi sya ng “sign” kay Lord kung “kami nga”… ito —
Sabagay, 15 months naman na kaming magbarkada. Eun, later naging mag-BF, after 18 months nagpakasal… yung close pren kong humihingi ng book nuon ang kinuha kong bestman.
(anhaba kwento
)
Ibibigay ko sa kanya ang ginawa kong miniature book (Revelation), na hinihingi ng isang close pren kong Baptist nuon na kaopisina namin pero ayaw kong ibigay. In fact ayaw kong ibigay ito maski kanino.
Ay wala naman akong kaalam-alam nuon sa “signs” — pero ibinigay ko nga sa kanya?
Klasmeyt… pwedeng ’sya’ na nga… pero kung hindi sya, may inilaan si Lord na “mas better” pa — kaya nga “God’s best” eka.
October 2nd, 2008 at 11:01 pm
Ahehe, ako man hindi pabor sa “signs” — kasi ang tendency nun ia-’adjust’ nung humingi yung sign para mag-fit sa gusto nya.
May kilala nga kaming girl, ang hininging ’sign’ aalalayan sya nung kras nya sa pagtawid (anukayayun? hehe). Kaya eun, binoypren nya maski non-believer, tapos hindi rin sila nagtagal at tumanda syang dalaga. Nagkaasawa din naman sya kalaunan — yung pastor nilang may mga anak na, nung mabyudo ito. (nakadalawa ‘kwumento’ na ako dito, anhaba ule hehe)
Yung amin ni misis, talagang kami lang, whether she ask for a sign or not.
October 5th, 2008 at 2:51 am
wahaha! smile lang tayo! wapak!
di bale meron ka naman ng si kuya slu! weehee!
at engineering pa! wapak!
October 5th, 2008 at 5:36 am
?Minsan para ka palang nagmamahal ng pader. Habang mas pinagdidiinan mong itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. Pero siya, hindi pa rin natitinag?
–> siya nawa.
2 tear
October 6th, 2008 at 4:22 pm
Tumigil ka kung ayaw mong masaktan lalo. Ganun naman talaga. It’s either he loves you or he doesn’t. It’s yes or no. It’s meron o wala. It’s laban o bawi. It’s pera o bayong.
Try mo kasi syang kalimutan. Hanap ka ng iba. And then later you will see, na sya na mismo ang lalapit sa yo. Hahabulin k p nya.