national flower – LP#47 Bulaklak

Author: yeye  //  Category: litratong pinoy


absent ako last week. ehehehe. kasi. kasi naman. wala lang. never mind. hehehe

Nung linggo, Feb 22, 2009, ginanap ang sampaguita festival sa san pedro Laguna. wala lang. napanood ko kasi sa balita, may Guiness attempt pa nga silang ginawa eh..longest sampaguita ever …basta yun. hahaha. nagkaroon daw ng ganitong festival para ma-promote ang turismo sa San pedro at para bigyang buhay muli ang sampaguita industry. sana lang ano, kahit na tumanda na ang ating mga lolabelles na gumagawa ng sampaguita doon, sana maipasa nila ito sa kanilang henerasyon..para naman hindi mawala ang indistry nito..panu na diba pag wala?? masaya kung kumpleto ang tandem ng mga repapipz sa mga? altar natin: si sto.nino, rosaryo, at syempre si mabangong sampaguita =)

at hindi lang pandekorasyon ang silbi nitong maliit na bulaklak na ito!! ginagamit na rin siyang ingredient sa ice cream..alam mo ang sampaguita ice cream??meron pa ngang sampaguita ice candy. hahaha. aus!!

nakaka-agaw pansin ang halimuyak ng bulaklak na ito. small but terrible. hehehe. at mura pa siya kumpara sa ibang bulaklak..

kaya payo ko sa mga lalaki jan, kung nagtitipid kayo, try niyo magbigay ng tatlong tali ng sampaguita sa inyong iniirog. hahaha. tatlo yan ah. para i love you. haha. cheesy. try mo lang, baka sampaguita lang pala ang kahinaan ng nililigawan mo hahaha

ito ang aking lahok para sa linggong ito sa LITRATONG PINOY. :)

HAPPY HUWEBES SA LAHAT!

25 Responses to “national flower – LP#47 Bulaklak”

  1. Dyes Says:

    aba, ang dami na palang gamit ng sampaguita! pwede na pala itong kainin.

    happy hwebes!

    yeye: hehehehe. kaya pag nagutom ka sa daan…sampaguita na lang. lols

  2. homebodyhubby Says:

    Dafat lang…
    ♫ Sampaguita ng ating lahi,
    ♫ Bulaklak na sakdal ng yumi.
    Aush ba, klasmeyt? :)

    yeye: sampaguita…..lalalalala

    naalala ko tuloy ung kanta namin nung grade 3 hahaha

  3. rio Says:

    ngayon ko lang nalaman na may sampaguita flavor pala na icecream..woot woot..

    pwede ngaitong ibigay sa mga iniirog kung medyo kapos sa budget..maiba lang..hehe

    yeye: ehehehe. nakakaintriga nga kung anu lasa nun hahaha

    hahaha. unique nga teh diba hahaha

  4. basti Says:

    whoa ba’t di ko yata alam na may sampaguita icecream at icecandy na… masarap ba yun? baka amoy sampaguita lang pero vanilla flavor pa din

    yeye: hehe…haha. vanilla flavor? ang weird naman ata ng combi hahaha

  5. sassy mom Says:

    Buti naman at may ginagawa sila upang palaguin muli ang indutriyang ito. I grew up in San Pedro.. nakita ko at natuto rin akong gumawa ng garland na iyan.

    Nga pala, di pa ako nakakatikim ng Sampaguita ice cream.

    yeye: ako din naman po eh. nabalitaan ko lang un ehehehe

    wow taga san pedro po pala kayo ehehe

    HAPPY LP! :)

  6. tinay Says:

    wow.. nice naman..
    sa ice cream ah… uhmmm
    ano kayang lasa nun?! xD
    kanina nga lang amoy sampaguita dito eh..ahehe

    yeye: ewan ko din kung anu lasa nun hehehehe

  7. peachy Says:

    may sampaguita flavor icecream? sampaguita ang ating pambansang bulaklak, lagi rin kami bumibili ng garland para iaalay sa altar…

    salamat sa pagbisita!

    yeye: :) walang anuman

  8. alpha Says:

    gusto ko din ng sampaguita. happy lp.

    yeye: happy LP din :)

  9. jeanny Says:

    ah talaga sampaguita ice cream…na curious tuloy ako. Magustuhan ko kaya yun hahahha

    Happy LP

    yeye: sana nga. gudlak for you :)

  10. ces Says:

    tunay na napakahalimuyak ng sampaguita, at di ko alam na may sampaguita ice cream na pala!:)

    yeye: napanood ko lang yan kasi sa tv ahahaha

  11. FickleMinded Says:

    uy ganda, yan ang hinihintay kong entry, Sampaguita,maganda na,mabango pa kahit maliliit lang, talagang tugmang tugma sa ating mga pinay. :)

    yeye: yup. tama hehehe

  12. lino Says:

    uy may sampaguita festival pala? ayus yun ah…. :)

    yeye: opo meron :)

  13. Rico Says:

    Nakakatuwa ang iyong isinulat. Ngayon ko lang nalaman na may sampaguita festival pala, at lalong may sampaguita ice cream at ice candy. Masarap ba?

    yeye: di ko pa po natitikman eh. alam ko lang may ganyan hehehe

  14. Marites Says:

    ano kaya lasa ng Sampaguita sorbetes? Paboritong bulaklak ko iyan kasi ambango talaga kahit ang liit-liit:)

    yeye: eh di lasang sampaguita.lols. :)

  15. Thess Says:

    Paborito ko sa lahat ang amoy ng sampaguita! hmmm bango!

    cgro kung patutuyuin pwede ding gawing tsaa ano? pero mukhang kailangan haluaan ng ibang bulaklak pa para masarap at hindi matapang ang amoy?

    tara i-market natin :D

    : hehehe geh teh ikaw na lang eheheheh. kaya mo yan! :)

  16. RoseLLe Says:

    naaliw ako sa lolabelles at repapips mo ah :) pero tama di ko din makakalimutan ang papel na ginampanan ng mga sampaguitang yan sa tuwing akong gagradweyt…ang saya dahil paramihan pa :)

    ang aking mga bulaklak at mga talulot nito ay nasa Reflexes at Living In Australia

    yeye: hahahaha. naku pag gradweytiyon ayaw ko magpalagay ng ganyan hahahaha. parang santo lang kasi ahahaha

  17. fortuitous faery Says:

    hehe…sampaguita para maiba naman. ang dating eh, “iniibig kita na parang santo.” :P

    yeye: hahahahha

    TAMA!

    SINASANTO KITA!!

    :lol:

  18. iska Says:

    naalala ko ang aking bayang nilakihan. ako man ay taga-San Pedro kung san nanggagaling ang mga sampaguita….

    yeye: waw naman. :)

  19. babie Says:

    Wow! Kakaiba ang entry mo, may konting lesson pa. Salamat sa pagbisita!

    yeye: salamat din :)

  20. vanny Says:

    nagkoment na ba ako? o hnde pa? para naman kcng araw araw tayo magkausap sis eh. hehehe.

    naalala ko tuloy, b4 valentines sabi ni hunnie sampaguita daw ibbgay nya sa aking flowers. hehehe.

    oi, anu na nangyari sayo kagabi? 2mawag ka ba o hnde? di ka na reply eh.

    yeye: oh asan na ung sampaguita? :p

    hmmm..magkausap na tayo ngaun sa YM! hahaha. kaya alam mo na. :)

  21. Michael Says:

    wahaha sampaguita ice cream and ice candy lols ayos to ha ” sampaguita rulez!”

    Sige try ko nga 3 sampaguitas for ” I Love You ” :D lols kidding

    yeye: ou try mo

  22. Pinky Says:

    Naalala ko bigla yung yumao kong lolo sa lahok mo – paborito kasi niyang mamitas ng mga sampaguita mula sa hardin nila at pagkatapos ay ialay sa altar. At oo, small but terrible nga ang sampaguita – brings back fond memories of my childhood! :)

    yeye: weeeeeee

  23. joycee Says:

    favorite subject ko ang flowers. kahet anung anggulo mo kunan maganda hehe.

    yeye: ou nga. kung maganda lang talaga cam ko eh :)

  24. jeniffer Says:

    the sampaguita simplicity.. means alot.. di xa katulad ng rosas.. pero mas gininto ang puso nya.. wala kasing tinik.. :)

    yeye: *CSF leak*

    LALIM!!!

  25. bioniclugaw Says:

    hindi kaya magmukha kang batang kalye kapag sampagita binigay mo sa nililigawan? hehe

    pero pwede narin.

    yeye: di naman. hahahaha

Leave a Reply