imposible ba ito? – LP#62

Author: yeye  //  Category: litratong pinoy

JOLLITOWN FRIENDS SA ISANG UNIBERSIDAD????? IMPOSIBLE.

ang tanging alam ko, sa gma 7 lang nakikita ang mga jollitown friends. pero ang tropa ng bubuyog na yan ay makikita mo sa FEU? parang imposible.

pero, ginawa naming posible :D

April 21, 2009. ang mga nursing students ay muling bumalik sa pagkabata. ipinagdiwang namin ang aming grand duty na pinamagatang NURSEry Party., kung saan lahat kami ng mga ka-batch ko ay kelangan mag-mukhang bata. magpresent ng mga pambatang sayaw at kanta at kung anu-ano pa. pinarangalan din namin ang aming CI..binigyan ng bonggang bonggang cute na awards hehe.

ininvite namin ang Jollitown friends para sumayaw para sa amin hahaha. ang saya nga eh. paglabas nila sa stage, para kaming mga munting tsikiting na naghihiyawan sa kanila. hahaha

oo, alam kong imposible na bumalik tayo sa panahon ng nakalipas…pero pwede naman isadula diba? masarap maging bata. kung pwede nga lang bumalik sa pagkabata eh, why not? hehehehe.

ang tanging gawin na lang natin ay magreminisce. at kung minsan, di rin naman natin masisisi ang ating mga sarili kung tayo ay mag-asta na bata. cute naman eh. hahahaha

tulad na lang namin ng classmate ko na si miggy., na nagdamit boyscout. siya ang nanalo ng best in costume (boys category) hahaha. hangkyut ano?

ito po ang aking lahok ngayong huwebes sa Litratong pinoy. Punta kayo DITO para makita ang iba pang mga lahok ng mga LP members. Happy LP sa lahat!

16 Responses to “imposible ba ito? – LP#62”

  1. Lalaine Says:

    uyyyy… si jabeee… biglang gusto ko ng tuna pie at peach mango pie *drooling*

    hays… itutulog ko na lang to.. hehehe

    yeye: hahahaha. nagutom tuloy ako bigla sa mga sinabi mo teh hehehe :D

  2. karmi Says:

    alam mo bang gustong sa Jollibee magcelebrate ng birthday ko ngayong taon?! 25 years old na kasi ako, pero hindi ko pa naranasang magbday sa Jollibee!! :(

    kaso, di matutuloy:P hehehe.. hmm, reception na lang siguro ng kasal! hahaha. :D

    yeye: wag naman sa kasal. hahaha. sa 26th birthday tol. hahaha

  3. yami Says:

    Da best pa rin ang chickenjoy nila ‘pag mainit. Happy Huwe-best! :D

  4. carnation Says:

    ay masaya siguro ano? enjoy na enjoy. salamat sa dalaw

  5. Janelle Says:

    cool! i love jollibee :)

  6. Patty Says:

    Ang saya naman! Ang cute nung idea! :) )
    Gusto ko rin ng ganyaaaan, kiddie party!
    Nakakamiss maging bata XD

  7. silentprincess Says:

    ang cute naman..sarap tlga bumalik sa pagkabata..salamat sa pagbisita..happy LP!

  8. Marj Says:

    Ang cuuuuuute niyo naman.. Buti pa kayo may ganyang party bago grumaduate.. Nakakamiss naman maging estudyante..

  9. shie Says:

    iba ang powers nyo at naimbitahan nyo ang jollitown gang sa campus event nyo! :)

  10. Zee Says:

    wow ha! enjoy na enjoy kayo sa party nyo! hehhehee yehey sa jollibee! :)

  11. Willa Says:

    ay ang cute ng theme nyo, paboritong palabas yan ng anak ko,tuwing saturday ang Jollitown. :)

  12. Rico Says:

    Parang ang saya nga nyan ah! Mas sumaya pa dahil nag dress up kayo as kids. Galing!

  13. scart Says:

    kahit saan naman ata nagpupupnta ang mga bubuyog na yan. mabuti naman at naging masaya ang okasyon na yan at mas cute kasi pati nagbihis bata nga.

    salamat sa pabisita. Happy LP!

  14. Keiyt Says:

    Maganda. Si Jollibee and friends. Ang saya magbalik sa nakaraan talaga. Yung wala kang aalalahanin kundi malaro at madumihan lang. HAHA :)

    Ang cute nga, tamang tama para manalo ng best costume for boys. Boy scout talaga kapag bata e :D

  15. Honeul Says:

    sa Jollibee store ko nga lang sila nakikita e, haha at never ko pang nakamayan kahit isa sa kanila. Ooh, I’m such a loser, hanggang display na lang ako sa labas. :)

    oh my, ganda ng idea nya ha. boys scout!

  16. Michael Says:

    hahahah ang kulit naman nyan :) parang gusto ko tuloy makita kung anong ginawa nyo dyan hahaa

    Eh pano ka naman? sayang may kumanta ba ng “strawberry cupcake” ??? hahaha di ko tuloy ma-imagine.

Leave a Reply