Nov
28

DAY OFF

Posted by yeye

warning: mahabang post. nakakaantok. pwedeng mag-skip. kaw bahala. hahaha

ikaw na nagbabasa ngayon dito sa idlip.net, hello sayo. ang swerte mo may bago akong update. haha

nagsimula ako mag-duty bilang volunteer sa staff nurse sa isang secondary hospital dito sa isang munisipalidad ng iloilo noong lunes, november 23. matapos ang first week of training, kamusta ako?

sa totoo lang, nahihirapan ako. nung una mukha akong tanga. lam niyo yun. saka ko lang naalala na hindi na pala ako estudyante para alalayan sa bawat kilos na gagawin ko. na-realize ko na wala na pala ako CI (clinical Instructor) na dapat gumabay sa akin. All by myself ang drama.

first day, hindi man lang ako na-orient ng maayos. sa ER-OPD ako nalagay pero, la namana ko masyado nagawa since hindi ako naorient ng maayos..di ko alam kung pano ako kikilos. nu lang nagawa ko nun? nag-regulate ng IV at nagbantay ng pre-mature baby na namatay pa. ang saklap. first duty, namatay pasyente ko. kawawang anghel. huhu.

na-tanga pa nga ako nung una eh. nag-cyanosis si baby, bigla ako nawindang. (doh). nasaksihan ko ang paghihirap ni baby. oh well, sabi nga ni Bro kay santino, lahat ng tao ay may kanya-kanyang panahon. at panahon na yun ni beybi.

second day, nilipat ako sa Station 2. ward yun. as usual, di ko parin lam yung sistema. although nabasa ko na ung SOP ng hospital pero carry lang talaga. may kasama akong volunteer din. ayun di na panis laway ko. kaso nga lang, ang sipag niya sobra. siya na lang tumutulong sa staff nurse. okay. sige siya na lang. hahaha.. buti na lang nung afternoon, pinapasok siya sa OR. at doon na nagsimula ang aking pagiging busy. :D

third day. noon ko napansin na naliligaw ang aking skills. gusto ko maiyak. nag-NGT feeding kami. minimal errors lang kasi antagal na nung huli akong nagpakain ng pasyente. parang first time ko. nairita lang ako kasi nung una talaga pinapakealaman ako. kaya aun namali ako. di ako maka-konsentreyt at nangangatog talaga tuhod ko nun (bukod kasi nung umaga nun, nahirapan ako sa pag-ebs. constipated).

naasar din ako kasi yung isang staff, ako yung tinuro nung tinanong kung sino nagkamali dun sa chart. alam ko parang wala yun pero kasi doctor yung nagtanong..tas di naman ako nagkamali. ako yung tinuro. amp badtrip.

third day, ward padin. nageenjoy ako mag-alaga ng geriatric patients (mga oldies). nakakatuwa. sana lang kasi fluent na ako mag-bisaya para anu..hehehe

first time ko maka-pasok sa OR. circulating nurse. na di naman talaga nag-circulate. hahaha. first time ko makakita ng ORIF case (open reduction internal fixation). ung nilagyan ng bakal yung buto. basta yun. astig. nakakita na rin ako sa wakas ng binarena na buto. hahaha. mga 4 pm pinapauwi na ako kasi baka wala na daw ako masakyan, nagpapapigil ako. tinanong tuloy ako ng surgeon sabi ko “curious lang ako kung panu gawin yung ORIF” yehes naman for me. napaka-bibo ko. hahaha. 6pm na ako nag-out. at buti na lang may nasakyan ako. hahahaha. grabe kasi 6pm palang dito, napakadilim na.

fourth day. masaya ang duty. kasi this time, mabait ung staff nurse. kasi nakasabay ko siya kagabi nun sa tryk. ayun magkalapit lang kami ng inuuwian tska lolo niya nakaconfine nun eh ako nagmomonitor kay lolo kaya ayun. tas kakwentuhan ko about sa review, naging reviewer din kasi nila noon sila sir aliswag at sir laboy. hehe. wala lang.

tapos ako lang volunteer nun. so musta naman. 12 patients namin. hahaha. toxic kung toxic. :D tas pauwi na kami, biglang nagchills isang patient, so as usual, over time again. scarcity nga naman talaga ng nurses sa probinsya.

fifth day, kahapon. usual day lang. palipat lipat ako ng area: ward-opd-or-ward. hay. ayaw ko sana pumasok sa OR kasi appendectomy lang naman ang case, eh kaso no choice ako, ako lang circulating nurse. hahaha. at no choice din yung scrub nurse na monday pa lang eh di ako masyado kinikibo. yun pala, ilang siya makipag-usap sa akin. nahihirapan siya magtagalog. hahaha. kaya pala. so ayun

di naman ako masyadong natoxic kahapon. ung kasama ko lang na naiwan sa OPD. hahaha. sabi ko nga master of arts in nursing major in vital signs monitoring na kami. LOL

ayan. summarized na yan. dami ko sana gusto ikwneto kaso hahaha. uhmmmmm…sori naman sa mahabang post. intro pa lang yan :D

so far ito ang ilan sa mga natutunan ko simula nung nag-duty ako:

1. i have to accept the fact na iba iba ang personalities ng mga workmates mo. talk about individual differences. oh well. dito ko masusukat ung “pakikisama skills ko”. carry on!

2. ngayong lisensyado na ako, i have to be careful with all my actions. gaya nga ng sabi ko, wala na akong CI na mag-gagabay sa akin. kahit na may senior nurse akong kasama, iba pa rin talaga yung independent actions na meron ako. kelangan pairalin ang pagiging assertive ko at all times. at ayun, bawal ang careless! (aray)

3. natutunan ko na kelangan umuwi ako ng maaga or else hindi ako makaka-uwi. unless magpapasundo ako sa tito ko na naka-motorsiklo kaso natatakyut ako. haha

4. natutunan ko na di rin pala ganun kadali ang mawalay sa parents. pero i’m adapting naman. i’m learning to be responsible now. buti nalang at walang computer at net sa bahay, nakaka-concentrate ako sa ibang bagay tulad na lang ng araw araw na paglalaba ng uniform ko at paghahanda ng pagkain ko tuwing umaga at kung anu anu pang pag-asikaso sa sarili na dati hindi ko nagagawa. at oo nga pala, marunong na ako matulog ng maaga ngayon. 9:30PM. beat that :D

at syempre may kelangan pa ako matutunan. ang magsalita ng bisaya. pero mukhang baliktad ang nangyayari. sila ang natututo magtagalog (straight) kesa sa ako ang matuto magbisaya. hahaha

masarap din dito sa probinsya kasi presko ang hangin. therapy para sa nanghihinang lungs ko. hehe. at wala ring oposisyon. walang maingay na mama. hay nakakamiss naman nanay ko. hehe

at since ngayon lang ulit ako nakapag-online at mukhang matatapos na naman ang time ko dito sa shop, uhmmmmm sasabihin ko pa na pasensya kung hindi ako nakakapag-bloghop. nawa maintindihan niyo. hehehe. tipid mode din kasi ako kaya ayun. at wala ng oras para makapag-net during duty days panu lagi overtime. buti na lang may DAY OFF ako

so yun lang. balik uli ako next week. :) muntanga lang nagsasalita ako wala naman ako kausap. hahahaha

atleast alive na rin kahit papaano ang idlip.

catch me at uzzap. :)

un lang.

byeeee…Godbless us all :)

  1. karmi Said,

    medical terms, kelangan ko ng dictionary! hehehe =) mukhang naging masaya naman ang unang linggo ng training mo tol.. masaya na toxic, sabi mo nga sa akin sa YM, kelangang magpakabusy.. ^_^

    ngayong nagtatrabaho ka na, sort of (sort of kasi di ka pa naman binabayaran hehe), lalo ka ngang matututong makisama. =) gudlak, madaming pasaway hehehe.. pero keri lang yan tol! ikaw pa :D

    ingat sa paguwi! sana may makasabay ka hehe.. miss yah tol! uzzap na lang nga at sana next week eh magabot ulit tayo sa YM ^^

  2. clarice Said,

    rock on Yeye!
    masaya ang kwento mo. well tama ka, iba-ibang tao ang nasa paligid. kailangan mag-adjust at maki-sama ng maigii. :D

    enjoy mo lang ang moment, marami ka pang matutunan dyan. :)

    tulog ka na at 9:30 PM? amaaaaaaaziiiing. I can’t beat that.

    be strong. kaya mo yan kapatid. :D good luck and God Bless!

  3. Jeniffer Said,

    Ah kaya ka naman pala natungo jan sa iloilo. Mdami naman pwdE d2 na pagvolunteEran ah, un nga lng the chance na mahired ka is kinda hard. Nakakatuwa experience mo jan kc naramdaman ko dn yan nung nagtratraining plang aq, pero dala n dn sa dami k0ng training. Di nku masyd0ng humhngi ng tul0ng. Ayun,gudluck ah! Aga muna m2log,wla ka pa c0mputer.Pag may time ka,bisitahn m0 dn site ko.

  4. joycee Said,

    Welcome to the corporate world, Yeye. Sa una lang yan, masasanay ka din, mabilis lang ang 3 months!

    basta pray lang lage, di ka papabayaan ni Lord! Kitakits sa Tumblr! :)

Add A Comment