today is….
++ nuffnang ++
++ MaBuHaY!! ++
sa aking bagong bahay. thanks to karmi, akin na daw ung idlip. hehehe. muwaaaah. idlip poreber!! Dito ko nilalagay ang lahat ng maisip ko, maging non-sense man o hinde, ala kang pakialam. Mag-iwan ng bakas, wawawi, may shoutbox na ako hehehe. Nakakayamot ang mga squambis, anonymous, eroneous na tao . Pls lang magpakilala po kau, libreng libre yon., wag na mahiya hehehe. - diba sabi ko nmn bukas ang shoutbox para sa lahat ng dadaan dito. Feel free to leave comments here. Pero matuto kayong pumreno. Respeto lang chi. So if you don't like me, and also my blog, you can click the "X" button at the upper right corner of your browser. So..enjoy!! for your kind vist. Maki-idlip na!
++ Me MySeLF eN I ++


Yeye. Masandal tulog. prating nagb-BR (Babuy Reflex). Antuking bata. Isang malaking ewan. Labingwalong Labingsiyam na taong gulang..Twenteen. isang hamak na nursing student. Adik sa txt. Hindi maintindihan. Malabo. Masayahin na malungkutin. extrovert na intorvert. Maingay pero tahimik. Responsable pero tamad. Mataray pero friendly, optimist but pessimist. single but taken. Labo talaga noh? NBSB. Reyna ng procrastination. Suki ng mood swings. mabuting kaibigan. Kristiyano. Madami akong katangian, kaya madalas ako'y mukhang ewan. Ewan ko ba kung bakit. Ewan. Tulog muna ako....zzzz.. (--,)

plurkey plurk plurk
++iStoRbo s TuLoG++

ShoutMix chat widget
++ waSSuP wid YeYe?? ++
date nd time now:)8:26AM 062109
feeling: hungry
doinganything
eating: none
reading: BAWAL NA MAGBASA HAHA
LSS : panaginip by zelle
dancing : wala
love: wala
Hates: siiya
problem:pagiging bum. gusto ko ng pera
thinking of: hmmmmm
bdays: june7 -ate dee
june 13- mia mae
june 15- Joyceeee
june23- jena manager
++ Be guided ++


Gusto mo nito? kuha ka na ng
komski kowtbox!
++ Mkk2LOg SNa cLa ++
++ PR ++
Ads By Google
July 2009
M T W T F S S
« Jun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
++ dali..sali na! ++

Certified Senior Bloggista!

med skool ba?

July 1st, 2009

okay. so itong post na ito ay super random. ahaha. lagi naman kasi akong sabaw. hehehe. wala pala akong LP entry bukas! naku simula pa lang ng Hulyo wala kaong entry. naku lagot. hmmmm bawi na lang next time :)

nitong Lunes, muli akong bumisita sa aking Alma Mater! hahahaha wala lang nakakamiss. andaming pagbabago! dahil diyan, mali tuloy kami ng dinaanan. hahaha. dun padin kami sa hospital dumaan, bawal na pala dun so umikot pa kami sa likod! ayos na pala ung entrance dun sa ginagawa dati. haha asteg.

eh bakit nga ba ako nagpunta ng iskul? hmmm…kinuha ko kasi ung diploma ko. haha. ang cheap nga eh. basta. tas binalak ko din ipass ung alumni form. kaso bigo ako. di ko naipasa. saka na lang yun.

grabe. sobrang namiss ko ang skul. pero hindi naman yung sobrang miss na miss. slight lang. hehehe. sayang, kung kelan asensado na ang campus saka naman kami grumadwyet. hahaha eh kung pumasok kaya uli ako?

why not choknat? nakita ko dun sa registrar ang aking classmate. naka-uniporme pa din siya, pero this time, med student na siya. wow. ang gara. marami-rami rin sa batch namin ang nagenroll for medschool. nakaka-inggit. parang gusto ko ulet pumasok sa school.

wala naman masyado sa pangarap ko na maging doktor pero sa tuwing makakakita ako ng doctors during duty, naeengganyo ako. para kasing ang galing. hahaha. actually, may nakapagtanong na sa akin na doctor, kung magmemed daw ba ako. ang sagot ko: “kung may pampaaral lang po eh”

trulalu eklavu. kung may pampaaral lang sila mama’t papa, papayag ako. magmemed ako. eh kaso wala. napakamura naman kasi ng tuition! hahaha. at isa pa, medyo tinamad na rin ako. napakahirap kasi ng kursong medicine eh. di biro yun. kung sa sunugan lang ng kilay, malamang pag-graduate mo, wala ka na talagang kilay!

sbai nung classmate ko, ang hirap daw. araw araw silang may exam. ganun naman talaga eh. pahihirapan ka talaga lalo na maganda ang quality ng education ng medicine sa school namin (payag ka ba ced? haha)

nakakamiss lang kasi yung mga araw na pumapasok ako sa school. yung mga medical terms. mga classmates. professors. pasyente…at higit sa lahat, ang baon. hahahaha

dahil sa frustration ko na ito, naalala ko ang isa kong goal. ang mag-take ng masters degree. siguro dun ko na lang ibubuhos ang frustrations ko. hehehe. pero syempre kelangan ipasa ko muna ung boards diba? lapit na…isang buwan na lang lalabas na ang result…at syempre, kelangan ko mag-ipon para mapa-aral ko srili ko. ayaw na ako paaralin ni papa eh! hehehe

hay. i really miss schooling :D
buti pa mga classmates at kaibigan ko nung hayskul, nasa skul padin, pero hindi bilang estudyante..kundi, isang GURO! naku…hmm…ako din!

haha. yunlaang. dati andami kong gusto. ngayon ang dami kong namimiss!!

namimiss ko na magduty.
at namimiss ko siya. LOL. sino? hahaha. secret


magpaka-bookworm na lang ako

June 27th, 2009

di ko talagang mapigilang matawa sa naimbento ng aking schoolmate. may meaning na ngayon ang salitang BUM. as in, Batang Umaasa sa Magulang. perfect! hahaha. tagos hanggang likod ang kataga na yan pero mas napili ko pang tumawa na lang ng tumawa. :lol:

aminado talaga ako. dependent padin ako sa magulang ko ngayon. di naman ako pinipilit na magtrabaho na eh, though nagsuggest si mama na magcallcenter (ayaw ko nito) muna daw ako or magvolunteer sa red Cross (uso pa naman kalamidad ngayon). gusto ko sana sa national headquarters para makita ko na in person si clarice. kaso anlayo eh. atska, sa church muna ako nagcommit ngayon. hehehe. talagang ung resulta na lang ng board ang hinihintay ko. hmmm. kung anu man ang maging resulta, THY WILL BE DONE. :)

medyo nakakasawa na rin maginternet. routine na lang talaga ginagawa ko: magpplurk, magfafacebook (resto city, at mga kalokohan na quizzes), magtumblr. magtwitter. napaka-random. jam legend sana kaso minsan amats ang internet connection. hays. BLOG? eh nilalangaw na nga tong idlip. hehehe. antagal ko rin kasi nawala eh. nasa adjustment stage pa ako:D

naguguilty na ako kasi maaring tumaas ang bill ng kuryente namin dahil sa puro internet na lang ang inaatupag ko. hmmmmm.. napagisip-isip ko, basahin ko kaya yung mga librong naka-tengga sa kwarto ko? hindi yung libro ko nung kolehiyo ah.

may pinahiram sa akin yung kaibigan ko…inspirational book. about PRAYER. tas meron pa ako dun naka-tambay na libro ni charles swindoll. ang kapal eh! mejo tinatamad ako basahin. hehehe. yung i kissed dating goodbye, andun sa kaibigan ko (nagtrade kasi kami) gusto ko ulit basahin. medyo nawawala na naman ako sa landas eh. hayhayhay.chorbalu!

gawin ko kayang past time ang pagbabasa noh? sa totoo lang, di ko hilig ang magbasa. pero since madami tayong matutunan dito, at, wala na rin akong choice – magbabasa na lang ako haha

hmmmm.gusto ko bumili ng bagong libro. tagal na ako hindi nakakadaan sa national bookstore. pati sa pcbs. hmmmm. gusto ko ng Bob Ong books! para masaya ang buhay!

yan lang ang meron ako. wala pa ako nung yellow book, black book, alamat ng gubat at kapitan sino. hmmm…ang dami. wala akong budget! :P

ABBNKKBSNPLAKO – una ko itong nabasa, nung third year highschool pa. pinahiram ako ng classmate ko. binasa ko habang nasa biyahe kami, sinama kasi ako ni papa sa field trip nila. ayun. pero bumili rin ako ng sarili ko. maganda ang first book na to. kahit ulit-ulitin basahin ayos lang.

MAC ARTHUR- itong ung second to the last na pinublish na libro ni bob ong. akalain mo yun, inuna ko pa to kesa sa ibang libro. hahaha. wala lang. nagpapabili ako niyan sa kaibigan ko na nagttrabaho sa moa. binilhan ako. di na niya ako siningil. gift na lang daw niya sa akin. hahaha. ang saya!

madrama ang kwento dito. tas paulit-ulit. pabalik-balik ang mga pangyayari. parang tae na tinatawag nilang mac arthur, na kapag finlush, eh bumabalik padin. kaya pala. AMAZING. haha

STAINLESS LONGGANISA – nakaka-inspire ang book na ito para sa tulad kong frustrated writer. hahaha. frustrated na lang talaga. maganda ang libro na ito. nakakatawa na nakakaewan. :)

kelan kaya ako makakabili ulet ng libro? hay. bakit ba kasi ang dami kong gustong bilhin kaso di ko naman mabili. dami ko pera eh. bigyan niyo nga ako. joke.

ay mali. sa kaarawan ko, libro na lang iregalo niyo sa akin. either inspirational o mga nakakatawang basahin. :) hahaha AZA mehn

Dito Lang – LP # 63

June 25th, 2009

naalala ko nung isang araw, wala kaming duty. sinulit ko ang pagkakataon na magpunta sa Quezon City Hall para magpa-rehistro. di pa kasi ako botante eh. ayun. ako lang mag-isa…habang naghihintay ng lunchbreak, ako ay nagpunta sa kabila, doon sa Circle :)

para makapunta doon, kelangan ako dumaan sa underpass. mas safe. first time ko. :D nakakatuwa. kasi di lang ito basta underpass. mukha itong Museum.

sa dinami-dami ng nadaanan kong underpass (sa quiapo, sa ayala..etc), Dito Lang sa QC ang may ganito. medyo napatagal nga ako dun eh. tinignan ko pa yung mga exhibit bago makarating sa circle. hehehe

wala lang. naaliw lang talaga ako dun. first time eh. hehehehe. nadagdagan pa tuloy ang kaalaman ko tungkol sa kasaysayan ng aming lungsod. well, Dito Lang yan sa QC :)

ito po ang aking lahok ngayong huwebes para sa Litratong Pinoy. Happy Huwebest sa Lahat! :)

ninang ako

June 22nd, 2009

una sa lahat, hayaan niyo po muna ako na batiin ang inyong mga tatay ng belated happy daddylicious day :) sorry, di ako nakapagupdate kahapon hehehehe.

pasensya na, gusto ko talaga magblog, pero, wala akong maisip na maiblog. hahahaha. sabaw na sabaw parin utak ko hanggang ngayon.pero sa ngayon, may ikkwento na lang ako sa inyo :)

un nga, kahapon, wala naman masyadong nangyari samin dito sa bahay. maliban na lang sa isa kong ka-txt na kaibigan.

maaga pa lang, nagpa-load na ako para magGM ng happy fathers’ day. at ayun. sabay nagreply ang aking pinakamamahal na kaibigan-slash-kapatid-kuno na si Domz.


Domz: Thanks. I’m a daddy now :-(

so….KAMUSTA NAMAN!!! ano? ano ba kamo? *gulat* may anak kana??uhmmmmm kanino???huwah!!!

so hindi naman ako masyadong nagulat noh? hahahaha. eh kasi naman..bata pa si kapatid. 21 pa lang (though pwede na yan magka-anak haha). wala pang stable na trabaho…tska…uhmmm..wala siyang girlfriend. so sino ba ang hindi magugulat diba?? diba!!

sabi niya sa akin, sa isang babae daw na hndi ko kilala. dang! anu ba yun!!! sabi ko bakit di ka nagiingat (sa isip-isip ko, “nurse ka pa man din, anu pa’t mga natutunan mo sa contraception” hahahaha) sabi niya na lang “HUHUHU”

bigla naman ako nalungkot. syempre bilang kaibigan, nakakagulat ang mga pangyayari…pero cinongrats ko na lang siya at sinabi ko: UI NINANG AKO AH

pero. pero. ako lang pala ay na-VICTIM

takte! Joketime lang pala yun! ang gara naman!!! pang-best actor amp!!!

di pala totoo. haynaku. ang aga-aga jinoketym ako nung kumag na un. tsk. paniwalang-paniwala pa naman ako! grabe! hahahhaha. natawa na lang talaga ako sa sarili ko. pasalamat siya at magla-txt lang kami kundi baka nabatukan ko siya ng wala sa oras. hahahaha

SUCH A HAPPY FATHERS’ DAY TALAGA. nyahahahahaha


imposible ba ito? – LP#62

June 18th, 2009

JOLLITOWN FRIENDS SA ISANG UNIBERSIDAD????? IMPOSIBLE.

ang tanging alam ko, sa gma 7 lang nakikita ang mga jollitown friends. pero ang tropa ng bubuyog na yan ay makikita mo sa FEU? parang imposible.

pero, ginawa naming posible :D

April 21, 2009. ang mga nursing students ay muling bumalik sa pagkabata. ipinagdiwang namin ang aming grand duty na pinamagatang NURSEry Party., kung saan lahat kami ng mga ka-batch ko ay kelangan mag-mukhang bata. magpresent ng mga pambatang sayaw at kanta at kung anu-ano pa. pinarangalan din namin ang aming CI..binigyan ng bonggang bonggang cute na awards hehe.

ininvite namin ang Jollitown friends para sumayaw para sa amin hahaha. ang saya nga eh. paglabas nila sa stage, para kaming mga munting tsikiting na naghihiyawan sa kanila. hahaha

oo, alam kong imposible na bumalik tayo sa panahon ng nakalipas…pero pwede naman isadula diba? masarap maging bata. kung pwede nga lang bumalik sa pagkabata eh, why not? hehehehe.

ang tanging gawin na lang natin ay magreminisce. at kung minsan, di rin naman natin masisisi ang ating mga sarili kung tayo ay mag-asta na bata. cute naman eh. hahahaha

tulad na lang namin ng classmate ko na si miggy., na nagdamit boyscout. siya ang nanalo ng best in costume (boys category) hahaha. hangkyut ano?

ito po ang aking lahok ngayong huwebes sa Litratong pinoy. Punta kayo DITO para makita ang iba pang mga lahok ng mga LP members. Happy LP sa lahat!

spending my BUM days..

June 11th, 2009

SO KAMUSTA NAMAN AKO BILANG BUM?

napakahirap pala ng ganito. ang hirap pala maging BUM. di rin pala biro ang buong maghapon ka lang nakaupo, nakahiga, nakatunganga sa harap ng pc..natutulog. lamon ng lamon. wah! napaka-sedentary ng lifestyle! di malayong lolobo na naman ang katawan ko. huwah! ayaw ko ng ganito!!!! HELFFFFFF

pero buti na lang, walang pasok ngayon sila papa. alam niyo ang balitang sinuspend ang klase sa DLSU taft (diyan nagttrabaho kasi si papa)? dahil sa AH1N1?

ayaw mo maniwala? o ayan ang ebidensya :D

hehehe. so yun nga. lahat sila, as in lahat ng nagtatrabaho doon, walang pasok. so pati si papa, BUM din ngayon hehehehe. masaya nga eh. kasi hindi na malungkot ang bahay, tatlo na kami nasa bahay..medyo umingay ng konte kasi may makulit hahaha. at may bonding moments pa kami ah…nagvideoke kami. gamit ung magic sing hahaha

dahil dun, nung board exam, hinatid at sinundo tuloy nila ako. hahahaha. tas nung monday, pumunta kaming greenhills sa GLORIA MARIS, sinama nila ako sa lakad lang dapat nila. ayun.buti na lang.

tinanong ko siya, san ang sunod na lakad? sa FEU daw. hahaha. ayaw ko nga. di ko naman namimiss ung skul/hospital hahaha. di ko tuloy siya nasamahan nung nagpacheck up siya sa doctor niya :P

at eto. iniisip kung san pwede gumala. nakakainis kasi, andamidami kong pera. nakakatamad gumala pag madaming pera. huhuhu. wala na kasi akong baon ee! haizt. parang gusto ko na din maghanap ng trabaho tulad ng mga kaibigan ko pero, parang mas gugustuhin ko na lang maging BUM ano. pagkakataon na ito para makapag-pahinga ng bonggang bongga :D

un nga lang. nakakaboring lang talaga maging BUM. hehe. tiis tiis na lang. hintayin ko na lang muna ung result ng boards

gusto ko pala mag-volunteer sa red cross. renew ko license ng BLS. hahahaha. ang dami kong gusto hahaha.

gusto ko ikaw. LOL.

kitams. dami ko gusto. hahaha


LAYA NA AKO

June 7th, 2009

hello. i’m back :D

after 3 weeks. nagbalik na ulit ako. so musta naman ako? musta kayo?

sa wakas. tapos na din ang board exam. LAYA NA AKO. hahaha. result na lang ang hihintayin. keber muna yun. ayaw ko muna alalahanin ang board exam. keeping my fingers crossed, still praying for the result. nawa makapasa. :) nalalapit na ang pagiging RN ko. hahaha

salamat sa mga nagdadasal para sa akin. laking tulong po nun :) . Kuya doc ced salamat sa tips ha. tinalon ko talaga ung sa stairs gaya ng sabi mo hahaha.

ok. tama na ang board exam. haha.

namiss ko mag-blog. gaya ng pramis ko, eto na nga ako at nagbabalik. mabibisita ko na rin ang inyong mga bahay. hehehe.

actually parati naman ako online. pero naka-standby lang gawa ng restaurant city at twitter. yan lang naman ang inuupdate ko :D hehehehe.

hay. andaming nangyari sa aking buhay nitong mga nakaraang mga araw. pero, di ko na ikkwento. wala naman iyong kwenta. kelangan kalimutan na iyon. hahaha.

basta. laya na ako. FINALLY, I’M A BUM NOW. haha magagawa ko na ang mga pwedeng gawin ko. except ang gumastos dahil, napakarami kong pera hahaha. bawal gumastos hahaha

pwede na rin ako lumandi. :lol:

o cge na. super random. plug ko lang ang tumblr ko: http://yeye-rn.tumblr.com

at ipapakita ko rin sainyo ang aking GAGUNG GUPIT HAHAHAHA

wala lang. nagpa-kyut lang ako jan hahaha

will bloghop.NOW! :D